Sunday, March 27, 2011

PANATANG MAKA-RED HORSE


Iniibig ko ang Red Horse. Ito ang inumin ng aking buhay. Ito ang nagwawala ng aking lumbay. Ako’y kanyang nilalasing nguni’t tinutulungan upang maging malakas, maangas at mataas ang karakas.  Bilang ganti, tatanguan ko ang lahat ng paanyaya para mag-inuman. Susundan ko at pupuntahan kung saan ang tagayan.  Tutuparin ko ang usapan ng hatian kahit walang pera at hahanap ng paraan. Tatapusin ko ang inuman at hindi uuwi habang ang bote ay meron pang laman.Sisikapin kong maging isang tunay na lasenggo sa baso, sa puso, sa nguso at pati na rin sa loob ng nitso.

Sinipi mula sa pader ng palikuran ng isang beerhouse sa Timog, QC.

No comments:

Post a Comment