This one is for the Ripley's. Sometime in 2009, nag-order ang kapatid ko na nasa Amerika sa Red-Ribbon on line store. Birthday ng nanay ko and she wanted to surprise her. Sabi ng kapatid ko, just in time for Nanay's September 1 birthday. September 1 came, no Red Ribbon delivery. After 2 days, dumating din ang inip sa katawan ko, tawag ako sa Red Ribbon. I was passed to myayala.com. After numerous calls and an email, I finally got an answer. Di daw pwedeng magdeliver, kasi wala daw palabok and lasagna sa Red Ribbon Caloocan. Of course, napikon ako. I insisted on a delivery, after all, wala namang nakalagay na disclaimer sa website na me limitation ang delivery nila. Finally, Red Ribbon Retiro relented and delivered.
Kala namin ayos na after the complains. Eto uli, nag New Year. Order na naman ang mga kapatid ko sa Amerika sa on-line services ng Red Ribbon. Again, same problem ang na-encounter namin and this time Red Ribbon Retiro flatly refused to deliver. So napilitan kaming magpick-up. Sabi ko sa sarili ko, palpak, NEVER AGAIN.
Pero ang kukulit nitong mga kapatid ko. Valentine came, order na naman sila. As usual, wala na namang delivery pero umasenso, ang daming binigay sa aking telepono para maipaabot ko ang sama ng loob ko. Red Ribbon Caloocan, Red Ribbon Retiro pati Red Ribbon Head Office and Marketing at ilang departamento ng myayala.com. Ayos, wala pa ring nangyari. Pick-up uli kami sa Red Ribbon Retiro, nagsungit pa yung store asst. manager, dapat daw sa Red Ribbon main kami kukuha kasi franchise lang daw sila. Oh oh.
Pikon talo sabi nila. Aaaminin ko, napikon ako pero gaganti ako sa paraang alam ko. Mula noong Valentine, tinigilan na ng pamilya ko ang pagbili ng kahit anong Red Ribbon products. Sinabihan ko na rin ang aking mga kaibigan na wag ng bumili sa Red Ribbon. It might be a small way of protesting, pero maski paano masaya na ako knowing that I am no longer contributing to an incompetent system.
No comments:
Post a Comment