Friday, August 3, 2012

Mga Berso sa LRT

At bigla kang nawala
paalam pag-ibig paalam
nakaalis ka na pala
walang iniwang bakas
umiikot ang siyudad
parang gilingang dinudurog ang lahat

ng mawala ka sa akin, ikaw at ako ay nawalan
ako dahil ikaw ang minahal ko ng lubusan
at ikaw dahil ako ang sa iyo ay nagmahal ng lubusan
ngunit sa ating dalawa ay ikaw ang higit na nawalan
dahil pwede kong mahalin ang iba tulad ng pagmamahal ko sa iyo,
ngunit ikaw ay di mamahalin tulad ng kung paano kita minahal....



 Isang araw ng kawalang magawa, naisip kong maglibot ng Maynila sakay ng LRT/MRT. At napansin ko ang mga bersong ito. Maganda.

No comments:

Post a Comment